Home
Ako si Gee

> recent entries
> calendar
> friends
> Emethyst site
> profile
> previous 20 entries

Advertisement

Sunday, May 11th, 2008
5:51 pm - Bilang Kabute *bow*
Ayon sa LJ 30 weeks na mula sa last kong post
For that, maglalagay ako uli ng laman.. :D

First of all, HAPPY MOTHERS' DAY to all of your beautiful mothers.


The kuwento:
Ansaya ng buhay these last few weeks of vacation. Pumunta kaming Baguio ng family without Gee-Ann (nasa Field Bio) at Gerard (may UP enrollment). Masaya pala kapag isa lang kapatid mo tas dalawa yung TV na may cable.. hehehe.. :D Anyway.. Nakatanggap ako ng forwarded text about a certain person na naghahanap ng tutor. Bilang hilig ko naman magtutor at permutation lang naman daw at simple linear regression yung kailangang ituro, pumayag naman ako agad.

But no, nashock ako sa tutoring session. 6'7'' kasi yung tutee ko, galing Canada at yung SIMPLENG permutation? Naging IE 27 tutorial session.. GRABE!! Ganun pala sila kaadvance sa high school. At tingin ko advantage para sa kanila na may extra years sila sa high school. Nakakapili pa sila kung gusto nilang magtake ng chem, physics or bio.. daya..

Nakakatuwa naman na mabait yung natutoran ko at sana na naman ay may natutunan siya sa akin. :)

(3 comments | comment on this)

Friday, October 12th, 2007
8:33 pm - I'm bored.
I'm really bored. I have an exam for tomorrow, two major requirements for Monday and another exam on Wednesday, but still I'm bored. My roommate Nica -- not helping. She also has an exam for tom. but look at her now! Doing anything BUT study.

In fact, she's currently dismembering a foam finger. How bored is that?


I wish this sem would end. NOW.

Dear Nica,
I love you very much.
Love, Gee - your favorite roommate

"It's not even a foam finger... It's a foam HAND.

current music: "Bye La Salle, bye La Salle!"

(4 comments | comment on this)

Friday, July 6th, 2007
6:59 pm - On absences..
Forte ko na ata ang pagtulog at pagpapahinga, bilang isang linggo akong walang ibang ginawa. Kulang na lang, sumuka na ako ng dugo sa kaka-ubo (uuyy.. exagg!) Pero di nga, sobrang sakit na talaga ng lalamunan ko. (Baka naman may maisusuggest kayo?)

One week. Pinakamatagal ko na atang absence to, at kauna-unahang super-valid absence sa college. (lumabas na rin ang katotohanan!) Pero di ko namalayang 1 linggo na pala akong nagpapahinga. Kasi naman, wala akong ganang kumain, ganang gumising, kaya tulog lang ako ng tulog. :D sarap.

Pero totoo ring miss ko na pumasok. Ayoko naman talagang umabsent (talaga lang?) kasi antaas nga ng percentages ng attendance sa grades. Isa pa, haggard mga subjects ko this sem. Kamusta naman ang IE major?

Kaya as much as possible ayokong mag-absent. Di ko naman akalaing tatagal ng apat na araw yung lagnat kong bumababa lang pag uminom ng biogesic. Galing din nung virus na tumama sa kin eh. Gusto ko nga palang pasalamatan uli yung donor... hehehe.. Alam kong natatamaan ka, joke lang.. :P

Naipasa ko pa tuloy sa nanay ko yung virus. Tsk, tsk..

O siya, yun lang naman, wala lang akong magawa.. Kita-kits sa Monday!!!

current mood: bored

(2 comments | comment on this)

Wednesday, July 4th, 2007
4:21 pm
Tutal wala naman akong ginagawa, naisip kong magsulat na lang uli ng entry. Bilang nagkasakit na naman ako, salamat sa donation na virus, pagstay ng late sa gabi at di regular na pag-inom ng vitamins.

Sa lahat ba naman ng napiling oras na magkasakit eh ngayon pa. Kung kelan naman sinisipag na akong mag-aral at pumunta sa klase. Sayang attendance points. At oo, GC ako, pero kasi nao-overcome ng pagkatamad ko ang aking will to succeed. hehe.

Naalala ko tuloy yung time na pinagdasal ko na ma-ospital ako at nagkatotoo. Nasiyahan pa ako nun kasi andaming bumisita sa akin kahit parang wala naman akong sakit.

Wala lang. Nag-uubos lang talaga ako ng oras.. :D

Sana makapasok na ako at least kahit Monday man lang. Mik, Gellie, pakopya notes..... :D

(6 comments | comment on this)

Monday, April 2nd, 2007
4:58 pm
Excited ako!!!

Salamat sa spontaneity at sa FR mag-aapply kami ni Mik-Mik para sa isang trabaho! Yey!

At siyempre, eto na naman ang paalamanan.

Ako: Pa, pwede po ba akong mag-apply for a summer job?
Pa: Pag-usapan natin ng nanay mo.
(Pagdating ni Mama)
Pa: Ito nga palang anak mo eh gustong mag-apply ng trabaho.
Ma: (In her super excited mode) Ay maganda yan! Pwede siyang makakuha ng tips kung paano magtayo ng tutorial school. Magandang experience yan para sa kanya. Wala pa naman nun malapit sa atin.....
Ako: (gusto ko lang naman magkaroon ng gagawin sa vacation.. )

O, edi ansaya! :D

---
Seryoso ba talaga tayo sa paghahanap ng trabaho o excuse lang yun para makapaglaro after? :D

current mood: working?

(comment on this)

Thursday, February 22nd, 2007
6:35 am
Hindi ko alam kung anong pumasok sa tuktok ko at pumayag akong magcheering. Pero bilang may kasama naman, pumayag ako. Sa ngayon, araw-araw na kaming nag-eensayo nung routine. Nakapagtataka lang na hindi masakit ang katawan ko. :)

Magandang bagay yun.

Umattend din ako ng Banquet Night ng SVCF nung Tuesday. Para siyang prom na semiformal at may message. Sa cheering pa ako nagpalit ng damit, kaya ang haggard ng itsura ko. :) Anyway, ang ganda ng message nung Pastor about marriage, relationships, etc. Kinuwento niya kasi yung love story nila nung asawa niya at kinikilig siya. As in literal. Sayang lang kinailangan na agad naming umalis kasi mablablacklist kami sa Balay Kalinaw.. hehe..

Yun lang!

current mood: cold
current music: Ingay ng Katipunan

(1 comment | comment on this)

Wednesday, January 17th, 2007
9:32 pm
This is not my day.

Una, tinangka kong magbayad sa Dormitoryana ng fees ko, confident na at least 500 lang yun. Unfortunately, hindi nila na-record na nabayaran ko na yung rent. At dahil diyan, pinapagbayad nila ako ng 2000+. WALA AKONG 2000!!!

Pangalawa, ansakit ng katawan ko. Salamat sa CWTS at sa stupidity. Magrope transfer ba naman na isa lang ang system? Ano yun lalambitin ka na lang sa kabilang rope? Ibangga ba ang sariling paa sa tricycle? Sakit tuloy ng paa mo.

Pangatlo, napagalitan na naman ako para sa isang bagay na last kong ginawa noong high school pa. Nakakainis.

current mood: inis

(comment on this)

Tuesday, January 16th, 2007
2:04 pm
Naramdaman niyo na ba kahit minsan na parang walang kwenta ang buhay?

(5 comments | comment on this)

Wednesday, December 20th, 2006
5:15 pm
Ang sabi ng teacher ko sa ES 26, pag nagawa na daw namin ng flowchart yung mp namin ok na.

Ok na.

Kaso, sino bang marunong magflowchart sa amin?

~~

Kaya ayaw kong umuwi ng bahay, dahil kahit papaano, mas napapakinggan ako sa labas. Totoong hindi laging andyan ang mga kaibigan ko, pero mas ayos na yun kaysa sa lagi ka ngang andyan, lagi mo naman akong pinupuna......

Minsan, katahimikan mo lang ang kailangan ko.

current mood: pissed off

(comment on this)

Thursday, November 23rd, 2006
1:43 pm - In love...
I went back to my

first love

... ano pa ba naman? edi ang pagkanta!

Oo, after ilang months ng pagkatigang ay bumalik na ako sa pagkanta..

Dahil diyan ako'y nagagalak, natutuwa, at

kinikilig

.

Oo, kinikilig ako.

Pakiramdam ko, may sense na uli ang buhay ko.

Kahit naki-epal lang ako sa MBB at by chance lang ako nakita nila Wegs ay natutuwa ako sa oportunidad na makakanta uli.

Dahil diyan, gusto kong pasalamatan si WEGS, DIANNE, TINTIN at iba pang MBB people..

current mood: grateful

(1 comment | comment on this)

Monday, October 9th, 2006
12:41 pm
oo na.. mag-aaral na po...

current mood: aral modes

(comment on this)

Tuesday, September 26th, 2006
11:00 pm
gusto kong maglaro ng maglaro at maglaro.

current mood: restless

(comment on this)

Saturday, September 16th, 2006
12:58 am
Today is

HELL

day..

current mood: energy...

(comment on this)

Wednesday, September 13th, 2006
10:23 pm
hinga.. hinga..

wala pang 16.. you're still alive...

(comment on this)

Monday, August 28th, 2006
7:24 am - Morning Devotion
My soul finds rest in God alone;
my salvation comes from him.
He alone is my rock and my salvation;
he is my fortress, I will never be shaken.
Trust in him at all times, O people;
pour out your hearts to him,
for God is our refuge.
--Psalms 62:1,2,8--


My soul could only find rest in God alone. Then why do I keep on insisting that I could find it elsewhere?

He is the only Rock and Salvation. Why put my trust in anything else?

He is my fortress and therefore I will not be shaken. I should not be shaken.

And when problems come, I should rely on Him not on myself, anyone or anything else.

current mood: guilty

(comment on this)

Sunday, August 27th, 2006
8:20 pm - ESsing...
I am officially the GODDESS OF DESTRUCTION.

Hindi ko maintindihan, pero lahat ata ng mahawakan ko ay nasisira..

Nagka-virus yung laptop namin. Nasira yung laptop ng churchmate namin. All in one week!!! Babay P3600..

Waaahhh... Sorry na...

~~~

Nagsit-in ako sa ES ni Mik2 at naintindihan ko na kung bakit niya niloloathe na pumuntang ES. Pero in all fairness, parang fun naman yung prof mo Mik, yung ES lang talaga yung hindi.

Ready na talaga akong magsong and dance number eh.. :)

~~~

Allergy galore sa bahay...

Pagkauwi ko maga na ang mata ng mga kapatid ko (read: bigla akong nagkaroon ng Hapon na kapatid at kapatid na may malaking eyebags).. Tapos yung mga pinsan ko nangangati rin.. Hmm.. Bakit kaya?

current mood: destroy!

(comment on this)

Thursday, August 24th, 2006
12:44 am
Haggard ang araw ko dahil sa ES1 long exam at Math 54 midterms.. Pero buti na lang mabait pa rin si Lord.. Hindi, SOBRANG BAIT niya dahil wala talaga akong inaral para sa dalawang yun.

Ngayong papetek-petek na naman ako, pero hindi niyo alam mas hell ang araw ko bukas...


Kamusta naman ang:
(1) Math exam once again 830-945
(2) Physics recitation sa wakas 1000-1100
(3) Eng 11 "we will have a quiz every meeting" 1130-100
(4) Physics 72.1 go go go - quiz, assignment, pre-lab, lab rep at peer review


SO.. kamusta naman ako?? Magsisipag na pala ah......

~~~
Ansarap ng pakiramdam na kahit ano pa man ang mangyari sa araw mo mayroon at mayroong kang taong matatakbuhan.

current mood: babay utak

(comment on this)

Saturday, August 19th, 2006
10:15 am
Yey! Hell week na! So kamusta naman ang overlapping ES 1 LE at Math 54 midterms?

Ayun ok naman sila.

~~~
Ansaya-saya nung Friday sa BigF ng SVCF! Nagkaroon kami ng Talent's Night for the apps (kasama ako dun) at supposedly ay kakanta kami ng "Shine Jesus Shine" but no, tawa lang ako ng tawa dahil sa mga male co-apps naming nagtatambourine..

San ka naman nakakita ng lalaking nagtatambourine?

Anyway, nagkaroon din kami ng Awards Night na hindi ko ini-expect na bebenta sa mga members.

:) Buti na lang..

current mood: :)

(2 comments | comment on this)

Saturday, August 12th, 2006
1:12 pm - Nagpapakasipag
Baka masama lang ang gising ko, pero nagpapakasipag ako ngayon. Isipin niyo, finorego ko yung panonood ng My Girl na vinideo ng parents ko para lang gumawa ng ES PLATES!!! WOW!!!

Ano ba nakain ko?

Anyway, ansaya ng linggo ko! Kahit na medyo late na ako umuuwi last week:
(1) nakita ko naman si Joyce (yey!)
(2) nakita ko si Wegs (yey!)
(3) nakita ko si Lau (yey!)
(4) nakita ko si Zaw (doiiii...)
(5) nakita ko si, si ... :)

Hehe.. :) Miss ko na talaga ang Emethyst. Reunion naman tayo sometime...

current mood: ohyess ES!

(comment on this)

Friday, August 11th, 2006
6:40 pm
Kamusta na kayong lahat?
~~~

Hindi ko alam kung bakit pero napaka-inherent ng pagkainis ko kay Brownman, at patindi siya ng patindi. GARABE ANG KAPAL NG MUKHA!!!!!!!!!!!!!!!!!!! HANEP PA SA YABANG!!!!!!!!!!!!!!! HIGIT SA LAHAT, FEELING CLOSE PA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Mik2, ang mga friends mo talaga ah... (joke lang.. )

Isa kaya siya sa mga taong hindi alam na nakakairita sila ng ibang tao? O baka naman nagpapapansin lang talaga siya sa iyo?

Bakit ba ako affected?

----

Siya, siya.. Sabi ko nga bagong buhay na eh...

current mood: irritated

(2 comments | comment on this)


> previous 20 entries
> top of page
LiveJournal.com